Inaasahang hindi makababalik sa pre-pandemic level o bago pa man nangyari ang pandemiya, ang ekonomiya ng Pilipinas sa loob ng susunod na dalawang taon.
Batay sa pagtaya ni ING Bank Manila Senior Economist Nicholas Mapa, inaasahang lalago lamang sa average na 5.1% ang ekonomiya ng Pilipinas ngayong taon.
Mas mababa ito sa naitalang average na 6% na paglago sa ekomiya ng bansa bago nangyari ang COVID-19 pandemic.
Samantala, inaasahang papalo naman sa 4.05% ang inflation o bilis ng paggalaw sa presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa ngayong taon.
Mataas naman ito sa target na 2 hanggang 4% lamang na inflation rate ng pamahalaan.
Tinawag ni Mapa ang kombinasyon ng mabagal na recovery ekonomiya at mataas na inflation rate bilang ‘slowflation’.