Inaasahang mas tataas ngayong 2022 ang ekonomiya ng bansa bunsod ng mataas na vaccination rate kontra COVID-19.
Ayon sa First Metro Investment Corporation (FMIC), ang paglago ng ekonomiya ng bansa ngayong taon ay makakatulong para maipagpatuloy ang domestic demand ng bansa.
Bukod pa dito, makakatulong din ito para mapagaan ang inflation, election expenditures o mga paggasta sa halalan maging ang paggastos sa mga proyektong pang imprastraktura.
Matatandaang lumago ng 4.9% ang ekonomiya ng bansa sa unang tatlong kwarter ng taong 2021.
Ayon kay FMIC President Jose Patricio Dumlao, ang pagiging kumpiyansa ng mga negosyo ay nakatulong sa pagiging positibo ng bansa dahilan ng mas malawak ng availability ng vaccines, relaxation of lockdowns, quarantine measures, at mobility restrictions.
Samantala sa naging interview ng DWIZ kay Economic Analyst and UP professor Astro Del Castillo, naniniwala siyang mas gaganda ang oportunidad ng mga Pilipino sa tulong ng investment at remittances sa bansa.
Sinabi ni Del Castillo na dapat maging handa o magkaroon ng contingency plan ang gobyerno lalo na ngayong nasa gitna parin ng pandemiya ang bansa.- sa panulat ni Angelica Doctolero