Lumago ng 6.8 percent ang ekonomiya ng bansa sa kabuuan ng 2016.
Ayon sa PSA o Philippine Statistics Authority, ito na ang pinakamabilis na paglago ng ekonomiya ng Pilipinas mula noong 2013 nang maitala ang 7.1 percent growth rate sa bansa.
Sinabi ni Socio Economic Planning Secretary Ernesto Pernia, pasok ito sa target growth rate nila na 6-7 percent para noong 2016.
Sa katunayan, posible anyang pumangalawa ang Pilipinas sa pinakamabilis lumagong ekonomiya kasunod ng 6.7 percent ng China para sa buong taon ng 2016.
Gayunman, kung susumain ng per quarter, bumagal ang paglago ng ekonomiya sa huling apat na buwan ng 2016.
Batay sa datos ng PSA, mula sa 7 percent noong third quarter ng 2016 ay pumalo lamang sa 6.6 percent ang naitalang GDP para sa huling apat na buwan ng taon.
By Len Aguirre