Lumago ng 6.9 percent ang ekonomiya ng bansa sa unang tatlong buwan lamang ng 2016.
Ito na umano ang pinakamabilis na paglago ng ekonomiya mula noong ikalawang bahagi ng 2013 at di hamak na mas mataas sa 5porsyentong gross domestic product (GDP) mula Enero hanggang Marso ng 2015.
Ayon kay Socio Economic Planning Secretary Emmanuel Esguerra, ang ekonomiya ng Pilipinas ang pinakamabilis na lumago sa hanay ng 11 Asian economies sa unang tatlong buwan ng taong ito.
Dahil dito, kumpiyansa anya sila na ma aabot ng Pilipinas ang target gross domestic product sa kabuuan ng 2016 na 6.8 hanggang 7.8 percent.
By Len Aguirre