Naniniwala ang National Economic and Development Authority (NEDA) na mas lalago pa ang ekonomiya ng bansa bago matapos ang taon.
Sa laging handa public press briefing, sinabi ni NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon na posible pang maabot ng bansa ang target sa pagitan ng 4 hanggang 5% o higit pa sa ika-4 na quarter ng taon.
Nabatid na mula sa 12% ng growth economy ng bansa ay bumaba ito sa 7% sa 3rd quarter kung ikukumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon na aabot sa 11.4 percent.
Dahil dito lumago ng 4.9 percent ang gross domestic product ng bansa na nasa upper end ng binabaang target band ng pamahalaan na 4% para sa buong 2021.
Samantala, umaasa naman ang Philippine Statistics Authority na mas lalago pa sa 5.3% ang ekonomiya ng bansa para maabot ang upper end ng full-year growth goal ng pamahalaan.
Sakaling malagpasan ng economic growth ang target ng pamahalaan para sa 2021 ay maaari nang bumalik sa pre-pandemic levels sa first quarter ng taong 2022. —sa panulat ni Angelica Doctolero