Nagsisimula nang makabawi ang ekonomiya ng Pilipinas matapos padapain ng pandemya dulot ng COVID-19.
Ito ay ayon sa S&P global ratings kasabay ng pagpapanatili ng magandang estado sa pangungutang ng Pilipinas.
Aprubado sa global debt watcher ang “BBB+” credit rating para sa Pilipinas na katunayan ng kapabilidad ng bansa na makapagbayad ng utang.
Inaasahang mas mababa ang interes ng mga ipauutang sa bansa dahil sa magandang rating ng Pilipinas.