Nananatiling matatag ang ekonomiya ng bansa sa kabila ng pagtaas ng presyo ng bilihin.
Ito ang nilinaw ngayon ni Finance Secretary Gil Beltran na sa harap ng naitalang pagbilis ng inflation sa loob ng dalawang taon matapos umabot sa 2.6 percent ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo nitong Disyembre.
Ipinaliwanag ni Beltran na inaasahan na ang pagbilis ng inflation sa bansa lalo’t mahal ang presyuhan ng langis sa pandaigdingang merkado sa mga panahong ito.
Sa kabila nito, isang hamon aniya sa pamahalaan na mapanatili ang macro-economic stability sa bansa sa pamamagitan ng pagpapalago ng pamumuhunan.
By Ralph Obina