Patuloy na lalago ang ekonomiya ng bansa sa huling bahagi ng taon.
Ito’y sa kabila ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at mga bilihin at sa bahagyang paggalaw ng Gross Domestic Product (GDP) growth ng bansa.
Ayon kay Department of Budget Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman na lalago ang ekonomiya sa 6.5% hanggang 7.5% ngayong taon at hanggang 8% sa pagsapit ng 2028.
Inaaasahan ng bagong economic managers ang paglago ng ekonomiya at mainam na tax administration sa ilalim ng Marcos administration para makalikom ng kinakailangang pondo.