Posible nang maangkin ng mga dayuhang negosyante ang buong ekonomiya ng Pilipinas.
Ito ang reaksyon ng Bagong Alyansang Makabayan o BAYAN sa paglusot sa ikalawang pagbasa ng panukalang pag-amiyenda sa economic provisions ng Saligang Batas o Charter Change.
Giit ng grupo, pinapaspasan ng administrasyon ang pag-amiyenda sa nasabing panukala para maialis na ang restrictions sa pagmamay-ari ng mga dayuhan ng mga lupa, paaralan, utilities at media.
Ito anila ang handog ng Pangulong Noynoy Aquino para sa mga lider ng iba’t ibang bansa na dadalo sa APEC Summit.
By Jaymark Dagala | Aya Yupangco (Patrol 5)