Inaasahang lalago ang ekonomiya ng bansa sa taong ito at sa 2023.
Ayon sa Asian Development Bank (ADB), ito ay dahil sa tumataas na domestic investment at consumption.
Batay sa Asian Development Outlook 2022, papalo sa 6% sa taong ito at 6.3% sa susunod na taon ang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa.
Una nang itinakda ng economic managers ng bansa ang target nitong 6% hanggang 7% na paglago ng ekonomiya para sa 2022.
Ang tinatayang expansion ay dulot ng pagluluwag ng restrictions para mas maraming negosyo pa ang magbukas gayundin ang international travel restrictions at pagpapabilis ng vaccination roll-out.
Binigyang diin ni ADB Philippines Country Director Kelly Bird na lahat ng indicators at factor ay senyales nang paglago ng ekonomiya ng bansa at kayang harapin ang mga epekto ng external factors mula sa geopolitical tensions.