Bumulusok pa ang ekonomiya ng bansa sa ikalawang bahagi ng taon.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), nagtala ng -16.5% ang gross domestic product ng bansa mula Abril hanggang Hunyo.
Kasunod ito ng -.7% na naitala mula Enero hanggang Abril.
Una rito, sinabi ni Bangko Sentral Governor Benjamin Diokno na maituturing nang nasa technical recession ang Pilipinas kapag nakapagtala ito ng magkasunod na contractions o negatibong gross domestic product.