Maaari nang magbukas ng tuluyan ang ekonomiya ng bansa kung nabakunahan na konta COVID-19 ang kalahati ng populasyon sa Pilipinas.
Ito’y ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez, gaya aniya ng mga bansang Israel, United States at United Kingdom kung saan nakita ang pagbaba ng bilang ng COVID-19 cases at maging bilang ng mga nasasawi matapos na makatanggap ng bakuna ang 30% ng kanilang populasyon.
Nakita naman ang tuluyang pagbaba at muling pagsigla ng kanilang ekonomiya ng maabot ng bakuna ang 50% ng kanilang populasyon.
Gayunman sinabi ni Galvez na nananatili pa ring target ng pamahalaan na mabakunahan ang 70% ng populasyon sa bansa sa pagtatapos ng 2021.
Positibo naman umano si Galvez na maaabot ito ng gobyerno lalo’t kung maaabot ang pagbabakuna sa 120,000 katao kada araw.