Umangat ng 6 na porsyento ang ekonomiya ng bansa sa ikatlong quarter ng taon.
Ang naturang third quarter GDP growth figure ay mas mataas sa limang porsyentong pag-angat na naitala noong unang quarter at 5.8 porsyento noong ikalawang bahagi ng taon.
Dahil dito, pumapangtlo na ang Pilipinas sa may pinakamabalis na pag-angat ng ekonomiya sa Asya para sa third quarter ng 2015.
Ayon kay National Economic Development Authority Director Arsenio Balisacan, senyales ito ng mas tumitibay pang ekonomiya ng bansa.
By Ralph Obina