May itinatago ang China sa kanilang mamamayan kaya’t masigasig nitong sinasakop ang mga islang nakapaloob sa West Philippine Sea.
Ayon kay dating National Secruity Adviser Roilo Golez, batay sa naging pag-aaral ng Wharton University ng Pennsylvania, unti-unti nang humihina ang ekonomiya ng China kaya’t kailangan nila itong panatilihin.
Sinabi pa ni Golez, kapag bumaba ang ekonomiya ng China, posibleng magresulta aniya ito sa kakulangan sa pagkain at iba pang pangangailangan.
Kasunod nito, may nakikita rin si Golez na posibleng stand off sa pagitan ng puwersa ng Amerikano at Tsino sa pagpasok ng mga US warship sa West Philippine Sea.
By Jaymark Dagala | Sapol