Bumagal sa 7.1% ang third quarter gross domestic product ng bansa.
Ayon kay National Statistician Claire Dennis Mapa mas mabagal ito kumpara sa upwardly revised 12% growth ng second quarter ngayong taon.
Gayunpaman, isa itong reversal o mas mabilis mula sa -11.4% na GDP na nairehistro sa third quarter noong nakaraang taon.
Itinuturong sanhi sa pagbagal ng GDP ng bansa ay ang mahigpit na pagpapatupad ng lockdown upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 delta variant.—sa panulat ni Joana Luna