Inaasahang lalago ng anim punto walo porsyento (6.8%) ang ekonomiya ng Pilipinas ngayong taon.
Ayon sa World Bank, ito’y bunsod ng matatag na exports, mataas na private consumption at patuloy na pagpasok ng remittances sa bansa.
Sinabi pa ng World Bank na nakasalalay pa rin sa infrastructure spending agenda ng gobyerno kung mahihigitan ang kanilang growth forecast na nasa 6.8%.
Matatandaang kalulunsad lamang ng pamahalaan ng walong trilyong pisong (P8-T) infrastructure development plan nito na may kabuuang pitumput limang (75) mga proyekto na inaasahang makalilikha ng dalawang (2) milyong trabaho kada taon.
By Ralph Obina