Asahan ngayong taon na mas marami pang trabaho ang iaalok para sa mga Pilipino.
Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) secretary Arsenio Balisacan, nakapagtala ang Pilipinas ng 4.2% na unemployment rate kung saan may pinakamababa mula noong 2005 habang bumaba sa 14.4% ang underemployment.
Ang pagtatag anya ng labor market ay isang hakbang para sa pagbangon muli ng ekonomiya.
Sa kabila nito, tiwala ang ahensya na lalago ang ekonomiya sa oras na mapatupad ang Philippine Development Plan ngayon taon hanggang 2028. —sa panulat ni Jenn Patrolla