Lumago pa ang ekonomiya ng Pilipinas sa 8.3% sa unang kwarter ng 2022.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), mas mataas ito kumpara sa 7.7% gross domestic product o gdp noong huling kwarter ng 2021.
Ito ay sa kabila ng paglabas ng variant ng Omicron noong Enero na naging dahilan para mas higpitan pa ng gobyerno ang COVID-19 restrictions na niluwagan rin noong Pebrero.
Una nang sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na posibleng bumalik na sa pre-pandemic growth ang ekonomiya ng bansa.