Tiwala ang National Economic and Development Authority (NEDA) na muli nang sisigla ang takbo ng ekonomiya ng bansa pagsapit ng taong 2022.
Ayon kay Socio – Economic Planning Sec. Karl Kendrick Chua, bagama’t malaki-laki ang ikinalugi ng bansa dulot ng COVID-19 pandemic na sinabayan pa ng sunod-sunod na kalamidad, madali aniyang nakapag-aadjust ang mga polisiya ng gobyerno.
Bago pa tumama ang pandemiya, ipinunto ni Chua na matatag at maganda na aniya ang growth trajectory ng Pilipinas na nasa upper middle-income economy.
Naniniwala si Chua na kakayaning makabawi ng Pilipinas lalo na kung mananatiling maayos ang risk management approach ng pamahalaan sa mga susunod na buwan.