Nananatiling impressive ang takbo ng ekonomiya ng Pilipinas sa kabila ng panloob at panlabas na hamon na nakaapekto sa pag-abot ng target ng bansa.
Ayon kay National Economic and Development Authority Secretary Arsenio Balisacan, bagama’t tumama ang sunod-sunod na bagyo sa Pilipinas na lubhang puminsala sa agriculture sector ng bansa, muli pa rin umangat ang ekonomiya dahil na rin aniya sa pagsusumikap ng pamahalaan.
Sa kabila nito ayon sa Kalihim, kung ikukumpara sa mga kalapit na bansa ng pilipinas sa asya, nananatiling ikalawa o ikatlo ang Pilipinas sa emerging economies sa Asya na maituturing na top performer. – Sa panulat ni Jeraline Doinog