Inihayag ng National Economic and Development (NEDA) na handa ang ekonomiya ng Pilipinas sa pagbabalik nito sa pre-pandemic level habang patuloy na binubuksan ng bansa ang sektor ng transportasyon at turismo.
Ayon kay NEDA Secretary Karl Kendrick Chua, ito ay dahil sa “ten-point policy agenda” ng gobyerno na nakapaloob sa Executive Order No. 166.
Layunin aniya nito na mapabilis ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa mula sa epekto ng COVID-19 pandemic sa pamamagitan ng pagpapabilis ng vaccination programs at pagluluwag ng COVID restrictions.
Batay sa datos ng Department of Tourism (DOT), umabot sa 200,000 foreign tourists ang bumista sa bansa matapos na buksan nito ang border noong Pebrero.