Inaasahan ang patuloy na paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa 2024 sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Department of Finance (DOF) Secretary Benjamin Diokno, magbibigay-daan sa paglago ng ekonomiya ngayong taon ang pribadong pagkonsumo at patuloy na pagpapatupad ng reporma sa istruktura.
Matatandaang tumaas ng 5.9% ang gross domestic product (GDP) ng bansa sa ikatlong quarter ng 2023.
Umaasa naman ang economic managers na magkakaroon ng 6.5% hanggang 7.5% growth para sa kasalukuyang taon.
Dagdag ng Finance Secretary, magpapatibay sa estado nito bilang isa sa fastest-growing economies sa rehiyon ang inaasahang paglakas ng ekonomiya ng Pilipinas.