Posibleng lumago ng 6.5% ang ekonomiya ng Pilipinas ngayong taon kasunod ng pagluluwag ng mga restriksyon dulot ng COVID-19 pandemic.
Sinabi ito ng ASEAN Plus 3 Macroeconomic Research Office (AMRO) kasunod na naging virtual annual consultation sa pamahalaan mula sa Pebrero 18 hanggang Marso a-8.
Nanguna dito si AMRO Lead Economist Dr. Siu Fung Yiu kasama si AMRO Director Toshinori Doi at Chief Economist Dr. Hoe Ee Khor.
Ayon kay Yiu, magaganap ang paglago ngayong taon o sa 2023 sa tulong ng fiscal support at mataas na antas ng pagbabakuna.
Nitong 2021, lumago ang ekonomiya ng Pilipinas sa 5.6% mula sa pagkakalugmok noong 2020 na nasa 9.6%. —sa panulat ni Abby Malanday