Posibleng lumago pa sa 8% ang ekonomiya ng Pilipinas sa kabila ng mataas ng inflation at interest rates.
Ayon kay Jonathan Koh, isang ekonimista, malaki ang magiging ambag sa paglago ng ekonomiya ng paggastos ng mga consumers at investment lalo’t nakakarekober na ang bansa sa pandemya.
Sa Agosto, muling magbubukas ang face-to-face classes sa bansa kaya sinabi ni Koh na malaking tulong rin ito kasabay ng nakakarekober nang sektor ng paggawa.
Sa unang quarter ng 2022, nakapagtala ang Pilipinas ng gross domestic product na 8.3%.