Posibleng bumagsak ang ekonomiya ng bansa kapag hindi pa matapos ang isyu ng speakership race.
Babala ito ni Party List Coalition President at 1 Pacman Partylist Representative Mikee Romero dahil tiyak na walang matatapos na trabaho ang kamara kapag nagpatuloy ang banggaan ng mga sangay ng gobyerno sa isyu ng speakership.
Sinabi pa ni Romero na mababalewala ang mataas na GDP growth na nasa 7 hanggang 8 percent at bumagsak sa 1 hanggang 2 percent kung hindi magkakasundo ang ehekutib at lehislatura.
Hindi rin naman aniya nila gugustuhing maging disruptive ang gobyerno kaya’t kailangang iisang direksyon lamang ang tinatahak nila at ito ay pagsunod sa signal at pakikinig sa pangulo.
Kasabay nito, tiniyak ni Romero na 99 porsyento ng mga kongresista ay nakikinig kay Pangulong Duterte.