Malaki ang posibilidad na malampasan ng paglago ng ekonomiya ng bansa ang target ng gobyerno ngayong taon.
Ito, ayon kay Socioeconomic Planning secretary Arsenio Balisacan, ay dahil na rin sa performance ng ekonomiya ng bansa.
Patuloy anyang nakapagtala ang Pilipinas ng paglago sa anim na sunod na quarter, na mayroong year-to-date average na lumampas na sa target range na 6.5% hanggang 7.5%.
Lumago ang ekonomiya ng 7.6% sa third quarter kaya’t ang year-to-date average ay sumampa ng 7.7%.
Kabilang sa tinukoy ni Balisacan na mga posibleng pagmulan ng paglago ang mas maraming investments sa construction activities, utilities at mining bukod pa sa “consumption” na nangungunang driving force ng ekonomiya.
Sa ilalim ng Philippine Development Plan na inilatag ng National Economic and Development Authority kahapon, inaasahan ng pamahalaan na sasampa ang economic growth rate sa pagitan ng 6.5% hanggang 8% sa taong 2028.