Kinumpirma ni Philippine College of Physicians past president, Dr. Maricar Limpin na lima na ang nasawi sa Omicron XBC variant sa bansa.
Ayon kay Limpin, karamihan sa mga Pilipinong nagkakaroon ng infection ay hindi na nagpapa-swab test sa halip nagpapa-antigen test na lang.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Limpin na kailangang suriing mabuti ang XBC variant dahil mabilis itong makahawa kumpara sa XBB na mild lamang.
XBB sa ngayon highly transmissible po sya pero so far ang mga nakita pong mga kaso ng COVID-19 from XBB ay mga mild cases lang…XBC alam po natin nandito na tapos may iba na nga po na namatay dahil sa XBC variant na ito.
Hinikayat naman ni Limpin ang publiko na magpabakuna mula phase 1 hanggang sa pangawalang booster.
Kailangan po proteksyunan natin ang ating mga sarili at ‘yan po magagawa natin sa pamamagitan ng pag-seguro na tayo ay nabakunahan. Kaya ho kami sa Philippine College of Physicians sinasabi po namin… ‘it’s now time for us to vac up’…meaning kailangang magpabakuna na tayo ngayon.
Ang pahayag ni Dr. Maricar Limpin, dating presidente ng Philippine College of Physician, sa panayam ng DWIZ. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla