Tatagal ng isang taon ang proteksyon ng Astrazeneca vaccine kontra COVID-19 kumpara sa ibang bakuna na anim hanggang walong buwan lamang ang effectivity.
Ito, ayon kay Vaccine Expert Panel Chairperson, Dr. Nina Gloriani, ay batay sa mga pag-aaral ng University of Oxford at iba pang datos.
Ang mahabang interval anya ng 1st at 2nd dose ng Astrazeneca na aabot ng dalawang buwan ang pangunahing dahilan ng mas matagal nitong effectivity kontra COVID-19.
Gayunman, nilinaw ni Gloriani na hindi muna dapat magpaturok ng booster shot ng kahit anong brand ng bakuna dahil wala pa namang matibay na ebidensya na mapahahaba nito ang immunity laban sa sakit.
Sa kabuuang 42 milyong doses ng COVID vaccine na mayroon ang bansa, 7.84 milyon lamang dito ang Astrazeneca.—sa panulat ni Drew Nacino