Umaapela si Infectious Diseases Expert Dr. Edsel Salvaña sa mamamayan na hindi pa rin nagpapa-booster shot na magpabakuna na dahil sa kumakalat na COVID variants at subvariants.
Ayon kay Salvaña, mas malaking bentahe ang naka-booster shot para magkaroon ng malakas na proteksyon laban sa COVID-19.
Nanawagan din ang eksperto sa mga magulang ng batang edad 12 hanggang 17 na payagang magpa-booster ang kanilang mga anak sa sandaling may go signal na ang Department of Health (DOH) para sa booster shot ng nabanggit na age bracket.
Aniya, bagama’t tumataas ang mga naitatalang kaso ngayon ng COVID-19 hindi kailangang mangamba o mag-panic dahil mababa na ang antas ng mga namamatay o nabibingit sa peligro dahil sa bakuna at sa patuloy na pagsunod sa public minimum health standards ng publiko.