Hinikayat ng grupong Anakpawis ang pamahalaan na taniman na lamang ng palay ang ekta-ektaryang lupaing agrikultural na nakatiwang-wang sa mga kanayunan.
Ito’y ayon kay Anakpawis Rep. Ariel Casilao ay para makatulong sa pamahalaan na tumaas ang suplay ng bigas sa bansa at para hindi na rin mag-angkat pa nito sa ibayong dagat.
Giit ng mambabatas, dapat gawing prayoridad ang pagbili ng palay mula sa mga lokal na magsasaka para hindi na umasa pa sa pag-aangkat sa ibang bansa.
Pero sagot ni Agriculture Secretary Manny Piñol, wala aniyang pakinabang ang taumbayan sa mga inaangkat na bigas dahil tanging ang mga negosyante lamang ang siyang nakikinabang, kumikita at yumayaman dito.
Maliban dito, inihayag ni Casilao na bagama’t nababawasan na ang mga sinasakang lupain dahil sa land conversion, umaangal din ang mga magsasaka sa kawalan ng subsidy mula sa pamahalaan gayundin ang kawalan ng tunay na repormang agraryo.
Kasunod nito, aminado Piñol na malaking hamon para sa kanila sa pamahalaan na tukuyin kung alin ang mga inangkat at alin ang mga lokal na bigas.
Posted by: Robert Eugenio