Nabubulok na ang daan-daang hektarya ng pananim na palay sa Ilocos Norte kasunod ng walang patid na mga pag-ulan.
Ayon sa report, nalubog sa baha ang mga bukid sa probinsya dahil sa ulang dulot ng hanging habagat na pinaigting ng low pressure area (LPA).
Ang naturang mga palay ay hindi pa “hinog” para maani, bago ang pagbuhos ng malalakas na ulan.
By Katrina Valle