Napeste ang mga palayan sa Nueva Ecija ng tinatawag na thrups o hanip.
Ang hanip ay maliliit na insekto na kumakain sa mga dahon at bunga ng palay hanggang sa matuyo ang mga ito.
Batay sa ulat, ilang mga magsasaka sa San Isidro, Nueva Ecija, halos 1.9 hectare ang pinutakte ng mga hanep kung saan walang napakinabangan sa mga pananim
Tinatayang nasa 20,000 pesos per hectare ang nawala sa isang mgasasaka dahil ito ang kanilang binabayaran sa gobyerno gayong nasa 78,000 pesos ang kanilang nagastos.
Ayon naman sa isang magsasaka sa Nueva Ecija, maiiwasan sana ang pag-atake ng hanip kung sa marso pa sila magtatanim ng palay ngunit napilitan silang maagang magtanim dahil sa kakulangan ng tubig na irigasyon sa mga pagsasaka bunsod naman ng epekto ng El Niño. – sa panunulat ni Jeraline Doinog