Unti-unti nang humihina ang El Niño phenomenon, at maaari nang magkaroon ng La Niña ngayong taon.
Ito ang inanunsyo ng PAGASA, at kanilang iniulat na inaasahang tatagal ngayong buwan hanggang mayo ang matinding init ng panahon at tagtuyot.
Paliwanag ni PAGASA Administrator Nathaniel Servando, kahit humihina na ang El niño, inaasahang magkakaroon pa rin ito ng epekto sa mga susunod na buwan, dahil sa mainit na panahon ngayong Marso, Abril, at Mayo.
Kaugnay nito, nag-isyu na ng La Niña watch ang Weather Bureau, at mayroon nang mahigit 55% na posibilidad na mararanasan na ang malamig na panahon sa susunod na 6 na buwan. – sa panunulat ni Charles Laureta