Inaasahan ang unti-unting pagkawala ng El Niño phenomenon sa Western Visayas sa susunod na buwan ng Pebrero.
Ito ang tiniyak ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Ayon kay Rusy G. Abastillas, ng Climate Impacts Monitoring and Prediction Section ng PAGASA, mararamdaman ang unti-unting paghina ng El niño sa susunod na buwan bunga ng nangyaring pinakamainit na klima noong buwan ng Nobyembre.
Ayon sa PAGASA, bukod sa inaasahang paghina ng El Niño sa susunod na buwan, inaasahan ding magiging normal na ang kondisyon sa buong rehiyon sa mga buwan ng Mayo, Hunyo at Hulyo.
By Mariboy Ysibido