Ibinabala ngayon ng Global Weather Bodies na nagbabadya ang pagtama ng El Niño sa Pacific Region ngayong ikalawang bahagi ng taon.
Ayon sa Australian Bureau of Meteorology, anim sa walong weather models ang nagsasabing posibleng umabot sa El Niño ang init na mararanasan partikular na sa Pacific Region kung saan kabilang ang Pilipinas.
Pinangangambahang mas matinding El Niño ang mararanasan ngayong 2017 kumpara noong nakaraang taon.
Matatandaang bahagya pa lamang na nakakarekober ang produksyon ng bigas sa Pilipinas matapos na bumagsak ito sa three year low noong 2016 dahil sa El Niño.
By Ralph Obina