Patuloy na nararamdaman ang pamiminsala ng El Niño sa iba’t-ibang rehiyon.
Ito’y matapos hindi mabuhay ang mga pananim ng mga magsasaka sa halip na mamukadkad ang mga ito.
Sa General Santos City, apat na barangay na ang naapektuhan ng tagtuyot.
batay sa City Agriculture Office ng Gensan, aabot na sa isangdaan dalawampung (120) ektarya ng maisan ang napinsala dahil sa labis na tagtuyot.
Dahil dito, pinag-aaralan na ng lokal na pamahalaan na irekomendang isailalim na sa state of calamity ang mga apektadong barangay.
Isinailalim naman na sa cash for work program ang mga apektadong magsasaka.
Samantala, tinatayang nasa siyamnaraang apatnapung (940) ektarya ng palayan ang apektado ng dry spell sa Albay.
Iba’t-ibang sangay ng pamahalaan bumabalangkas na ng EO upang tugunan ang krisis sa tubig
Bumabalangkas na ng executive order ang iba’t-ibang sangay ng pamahalaan para tugunan ang krisis sa suplay ng tubig sa Metro Manila at mga kalapit na bayan.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, ito ay upang masulusyunan ng pamahalaan ang nararanasan ngayon na problema sa tubig ng mga residente sa mga apektadong lugar.
Sinabi ni Nograles na bago pa man mangyari ang krisis sa tubig ay may mga ginagawa nang hakbang ang economic cluster para mapaghandaan ang problema sa tubig.
Bukod aniya sa tubig, kabilang din sa mga inaayos ng pamahalaan ay ang problema sa sewerage, sanitation, irrigation, flood management, watershed management at iba pa.