Ramdam na ang matinding init sa ilang lugar sa bansa sa kabila ng banta ng El Niño Phenomenon.
Ayon kay Southern Leyte Governor Damina Mercado, na mainit sa ilang bayan, ngunit may kaunting pag-ulan sa mga lugar sa norte ng probinsya.
Giit ng governor, na naghanda sila ng mga irrigation system para sa mga sakahan sa naturang lalawigan.
Una nang sinabi ng PAGASA, na posibleng dumanas ng tagtuyot ang Southern Leyte sa mga susunod na buwan.
Samantala, bahagya nang nabawasan ang lebel ng tubig sa cagayan river sa bahagi ng Isabela pero umuulan naman tuwing hapon. – sa panunulat ni Jenn Patrolla