Matinding tagtuyot at nakapipinsalang bagyo ng naging epekto ng El Niño phenomenon sa bansa ngayong taon.
Ito ang sinabi ng PAGASA kung saan nakapag-iwan ito ng mga nasawi at bilyong pisong pinsala sa sektor ng agrikultura.
Ayon sa PAGASA, simula noong ika-30 ng Nobyembre, 4 na probinsya ang nananatiling apektado ng tagtuyot gaya ng Quezon, Camarines Norte, Northern Samar at Samar.
Inaasahan din nilang magtatagal pa ang naturang El Niño hanggang sa Hunyo ng 2016.
Pero sa kabila nito, sinabi ni Anthony Lucero, Officer-in-Charge ng climate impacts monitoring and prediction section ng PAGASA na mas magaan ngayon ang epekto ng phenomenon.
Samantala, ang susunod na update ng PAGASA tungkol sa El Nino ay sa January 6.
By: Allan Francisco