Nangangamba ang grupo ng mga magsasaka sa ginagawang hakbang ng gobyerno laban sa epekto ng El Niño na posibleng maitala sa bansa sa susunod na buwan.
Ito ang inihayag ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas na kailangang maging handa ang lahat ng sektor sa paparating na El Niño phenomenon at iba pang kalamidad.
Naniniwala si KMP Chairperson Danilo Ramos, na may malaking epekto sa bansa ang El Niño lalo na sa critical areas kung saan, posibleng tamaan nito ang suplay ng tubig, enerhiya, arikultura, pagkain, at kalusugan ng publiko.
Iginiit pa ni Chairperson Ramos, na kailangang magkaroon ang gobyerno ng malawakang information drive upang agad na maabisuhan ang mga magsasaka at mangingisda kaugnay sa posibleng epekto ng El Niño.