Pinakamalaking banta sa ekonomiya ng Pilipinas nitong ikalawang bahagi ng taon ang El Niño phenomenon.
Ayon kay National Economic and Development Authority Director General Arsenio Balisacan, ito ay dahil sa inaasahang pinsalang idudulot ng El Niño sa sektor ng agrikultura na magreresulta sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin at kawalan ng hanapbuhay ng mga magsasaka.
Dahil dito, ipinabatid ni Balisacan na maiibsan ang epekto ng El Niño sa mga mamamayan sa pamamagitan aniya ng pagpapagawa ng mga irrigation canals at pagpapalawig pa ng Conditional Cash Transfer program para asistehan ang mga maaapektuhan ng El Niño.
Para naman matugunan ang naka-ambang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, binigyang diin ni Balisacan ang kahalagahan ng pag-aangkat ng mga produkto gaya ng bigas at iba pa.
By: Ralph Obina