Wala masyadong magiging epekto sa inflation ngayong taon ang umiiral na El Niño Phenomenon.
Ito’y ayon kay NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon, dahil tinayang mas mararamdaman ito sa pagsisimula ng 2024, ngunit ngayon pa lamang aniya ay dapat nang simulan ang paghahanda sa epekto nito.
Tiniyak naman ni Usec. Edillon na may ginagawang mga hakbang ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Para maibsan ang negatibong epekto ng El Niño.
Pabor aniya para sa ‘residential use’ ang pagbabawas ng alokasyon ng tubig para sa irigasyon mula sa Angat Dam, ngayong tapos na ang panahon ng pagtatanim.
Binigyang diin pa ni Usec. Edillon na dapat ding samantalahin ng pamahalaan ang madalas na pag-ulan, at pagpapabilis sa pagkumpleto ng mga maliliit na impounding water projects upang mapagaan ang posibleng epekto ng El Niño sa bansa.