Posibleng mas kailanganin ng vulnerable population ang mga ospital sakaling tumaas pa ang kaso ng Omicron sub-variant BA.2.12.1 sa Pilipinas.
Ayon kay Dr. Rontgene Solante, Infectious Disease Expert ang mga nasa vulnerable population gaya ng elderly at mga immunocompromised na malaki ang posibilidad sa mga hospital utilization.
Ani Solante, wala silang nakikitang problema sa parte ng general population gayung ang mga ito ang may malaking posibilidad na hindi dapuan ng severe infection.
Sinabi pa ni Solante na wala aniyang choice sila kundi obserbahan ang mga may comorbidities sa ospital sakalit tamaan ng virus.