May bago nang pinuno ang Joint Task Force COVID-19 Shield sa katauhan ni Philippine National Police (PNP) Deputy Chief for Operations Lt/Gen. Cesar Hawthorne Binag.
Papalitan ni Binag si PNP Deputy Chief for Administration Lt/Gen. Guillermo Eleazar na papalit naman kay Binag bilang Commander ng admin support to COVID-19 operations task force.
Ayon kay Eleazar, epektibo ang pagpapalit posisyon nila ni Binag noon pang Nobyembre 17 salig na rin sa kautusan ni PNP Chief P/Gen. Debold Sinas.
Magugunitang hindi ginalaw ni dating PNP Chief Camilo Cascolan sina Eleazar at Binag sa dati nilang posisyon upang hindi na mabalam ang nagpapatuloy na operasyon na kanilang nasimulan.