Humingi ng suporta sa mga mambabatas si Philippine National Police (PNP) Chief Guillermo Eleazar kaugnay sa regular na neuropsychiatric test sa mga pulis kada tatlong taon.
Ayon kay Elazar, sa ngayon ay kinakailangan lamang ang nasabing test para sa promotion at school requirements sa police organization.
Sinabi ni Eleazar na panahon na para mapagtuunan ng pansin ang trauma risk management ng PNP, at aminado siya sa mga limitasyon, lalo na sa healthcare capacities at services.
Ang rekomendasyon ni Eleazar na pagsalang sa neuropsychiatric test ng mga pulis ay matapos mag-viral ang pulis na si Hensie Zinampan sa pumatay sa isang ginang sa Fairview, Quezon City.
Magugunitang isa pang pulis sa katauhan ni Jonel Nuezca ay pumatay ng mag-inang Sonia at Frank Gregorio sa Paniqui, Tarlac noong Disyembre.