Itinalaga na bilang bagong National Capital Region Police Office o NCRPO Chief si Police Chief Superintendent Guillermo Eleazar.
Bahagi ito ng ipinatupad na balasahan sa matatas na opisyal ng Pambansang Pulisya.
Papalitan sa puwesto ni Eleazar si Police Chief Superintendent Camilo Cascolan na na-reassign naman sa Civil Security Group.
Bago nito, ilang buwan ding nagsilbi si Eleazar bilang director ng PNP-Calabarzon.
Itinalaga naman bilang bagong tagapagsalita ng PNP si SSupt Benigno Bugay Durana.
JUST IN:
PNP nagpatupad na ng balasahan; Chief Supt Guillermo Eleazar itinalagang bagong hepe ng NCRPO. | via @JonathanAndal_ pic.twitter.com/RyuSkWCwce— DWIZ Newscenter (@dwiz882) June 1, 2018
PNP spokesman Chief Supt. John Bulalacao, itinalagang bagong hepe ng PNP Region 6 (Western Visayas); Senior Supt. Benigno Durana, itinalaga namang bagong tagapagsalita ng PNP @dwiz882 pic.twitter.com/VXhj0fySx6
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) June 1, 2018