Tiwala ang bagong chief of directorial staff ng Philippine National Police (PNP) na si P/MGen. Guillermo Eleazar na magiginig buhay na buhay pa rin ang internal cleansing sa hanay ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Ito ang inihayag ni Eleazar kasunod ng nakatakda nang turnover ceremony sa pagitan niya at ng bagong NCRPO Chief P/BGen. Debold Sinas sa araw ng Miyerkules, Oktubre 16.
Sa panayam ng DWIZ kay Eleazar, sinabi nito na kilalang mahigpit si Sinas sa pamumuno sa kaniyang hanay kaya’t tiwala siyang maipagpapatuloy nito ang kanilang mga nasimulan ng ngayo’y PNP Chief P/Gen. Oscar Albayalde
Ito pong si Gen. Sinas siya po ay naging secretarial at directorial staff sa Camp Krame at ako ay naniniwala na ang internal cleansing ay buhay na buhay sa kanyang pamunuan, iyon po ang kailangan natin, kailangan ipakita sa mga taumbayan that we deserve their trust and confidence at sa paglinis ng hanay yan ang unang-una mapapatunayan sa kanila,” ani Eleazar.
Bagama’t aminado si Eleazar na magkahalong emosyon ang kaniyang nararamdaman sa paglisan sa NCRPO at ang pagharap sa bago niyang tungkulin, nangako ito na hindi pa rin niya aalisin ang tingin sa Metro Manila na siyang kabisera ng bansa.
100% ang aking paniniwala na si Gen. Sinas ay angkop para ipagpatuloy ang nasimulan namin ni Gen. Albayalde at makikita niyo po ang kanyang performance at kami’y magtutulungan bilang Chief of staff ng PNP to remain an eagle eye on Metro Manila dahil Metro Manila remains to be the soul window of our country, “ ani Eleazar.
Nang tanungin kung ano ang kaniyang maihahabilin kay Sinas sa bago nitong tungkulin bilang NCRPO, sinabi ni Eleazar na kailangan lang maipagpatuloy ang pagbibigay inspirasyon sa mga pulis na gawin ng tama ang kanilang tungkulin.
Kami po, NCRPO, ito ang best police station region office in the entire country at talagang what the incoming regional director na kailangan gawin na patuloy lang na ma-inspire ma-motivate itong mga pulis natin para po sa patuloy na pagganap ng kanilang liderato dito sa rehiyon,” ani Eleazar. — sa panayam ng IZ Balita Headlines