Nagpaalala sa publiko ang Joint Task Force COVID-19 Shield na dapat laging igalang ang protocols na ipinatutupad ng local government units sa mga checkpoints papasok sa kanilang lugar.
Ginawa ni Joint Task Force COVID-19 Shield Commander, Lt. General Guillermo Eleazar ang pa alala sa harap ng ‘di umano’y paglabag ng grupo ni San Juan City Mayor Francis Zamora sa health security protocols ng Baguio City.
Binigyang diin ni Eleazar na walang sinuman ang exempted sa pagpapatupad ng minimum health protocol kahit pa ang mga authorized persons outside of residence (APOR).
Matatandaan na bahagya lamang umanong nag menor ang unang sasakyan sa convoy ni Zamora papasok ng Baguio City at sinabihan ang pulis na bahagi sya ng convoy at saka nagtuloy tuloy na ng byahe.
Samantala, sa kabila naman ng paghingi ng paumanhin ni Zamora, isinusulong ng mga residente ng Baguio City na ideklara syang persona non grata.