PINAAALALAHANAN ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar ang lahat ng mga pulis na maging alerto laban sa mga bogus beneficiaries.
Ginawa ni Eleazar ang pahayag matapos maaresto ang isang barangay chairman at tatlong iba pang indibidwal sa Maynila dahil sa umano’y pagnanakaw ng ayuda para dalawang kwalipikadong benepisyaryo na nagkakahalaga ng walong libong piso.
Nabatid na gumamit ng mga pekeng identification cards at nameke ng mga dokumento ang mga suspek upang makuha ang cash assistance na hindi naman para sa kanila.
Ayon kay Eleazar, dapat tulungan ng mga naka-deploy na PNP personnel ang mga opisyal ng barangay para matiyak na nasa opisyal na lsitahan ang mga kumukuha ng ayuda.