Naglibot si PNP Chief Guillermo Eleazar sa ilang Quarantine Control Points (QCP) sa Metro Manila.
Ito ayon kay Eleazar ay para matiyak ang maayos na implementasyon ng mga alintuntunin sa unang araw nang pagpapatupad ng Ecq sa Metro Manila.
Kabilang sa mga ininspeksyon ni Eleazar ang QCP sa NLEX Harbor Link Karuhatan Exit, Bagong Barrio EDSA sa boundary ng Caloocan at Quezon City, Rizal Avenue Extension corner Second Avenue sa boundary ng Caloocan City at Maynila, R10 road sa boundary ng Navotas at Maynila, Paranaque Coastal Cavitex at sa PICC.
Ipinabatid ni Eleazar na 1, 203 PNP personnel ang naka deploy para sa law enforcement at public safety operations sa 89 QCP sa ibat ibang lugar sa Metro Manila.
Nasa 4, 346 policemen naman aniya ang nakatalaga sa Mobile Control Points (MCP) sa Metro Manila para sa implementasyon ng uniform curfew hours.
Sa labas naman ng NCR plus bubble, inihayag ni Eleazar na 9,180 police personnel ang idineploy sa 1,103 QCP’s.