Pinakilos ni PNP Chief General Guillermo Eleazar ang kanilang Medical Reserve Force (MRF) para tumulong sa COVID-19 situation sa Batangas sa gitna nang pag aalburuto ng Bulkang Taal.
Ipinabatid ni Eleazar na ipinag utos na rin niya ang mahigpit na pagpapatupad ng checkpoint para pigilan ang mga residenteng bumalik sa kanilang bahay na nasa loob ng permanent danger zone o sa iba pang ipinagbabawal na lugar kasunod ng kasalukuyang estado ng Bulkang Taal.
Binigyang diin ni Eleazar na handa ang mga pulis na ipatupad ang minimum public health safety standards sa mga evacuation facility para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 at naglatag na rin ng police assistance desk para tulungan ang mga evacuee.
Una nang binisita ni Eleazar ang ilang evacuation centers sa mga bayan ng Laurel at Agoncillo upang alamin ang kondisyon ng mga evacuee at tingnan ang seguridad at iba pang pangangailangan ng mga apektadong residente.